KABANAT 6: SI BASILIO
Buod:
Madilim ang
gabi at si Basilio ay patuloy na naglalakad tungo sa kgubatan. Sa tabi ng
gumuhong pader ay ang isang puntod na sadyang pinaka importante kay Basilio at
iyon ay ang puntod ng kanyang ina. 13 taon na ang nakalipas nang mamatay ang kanyang
ina sa gitna ng matinding pagdaralita. Nilisan
niya ang lugar na ito at nagtungong Maynila para manilbihan sa mga mayayaman
upang makapag-aral. Nakipagsapalaran siya sa pagpunta at hindi inabala ang
gutom na kanyang naramdaman. Dumating siya sa Maynila na may sakit at nag punta
siya sa mga bahay bahay upang upang ialok ang kanyang pagsisilbi ngunit walang
tumatanggap sa kaniya dahil nga naman sa isa itong probinsiyanong may sakit at
walang alam sa pagsasalita ng Espanyol. Nawalan siya ng pag-asa at isang araw
nakita niya ang karwahe nina Kapitan Tiago at Tiya Isabel at dahil malungkot si
Kapitan Tiago sa kadahilanang sa pagpasok ni Maria Clara bilang isang madre,
tinanggap siya bilang utusan, walang upa ngunit makapag-aaral siya kailanman
niya gustuhin sa San Juan de Letran. Pumasok siya sa unang taon ng pag-aaral ng
Latin kahit gusgusin at bihis dukha siya. Sa araw na pagkakita ng kanyang mga
guro sa kanyang ayos, nilayuan siya pati ng kanyang kaklase. Sa loob ng walong
buwang pag-aaral hindi natatawag si Basilio sa klase. Pag darating ang pasko at
babalik si Kapitan Tiago, sinasama siya rito at doon niya sinasabi sa puntod ng
kanyang ina ang mga hinanakit at problema. Nagsikap siya at sinaulo ang lahat
ng mga ralin kahit hindi niya naiintindihan ito. Pumapasok kasi noon ang bata
sa kolehiyo hindi upang matapos ang kurso. At kung maiisaulo nila ang mga
aklat, wala nang maari pang hingin kaya’t nakapapasa sa pagtatapos ng taon. Sa
pamamagitan ng pagsagot na wala man lang iniwat na blangko, nakamit ni Basilio
ang markang aprobado na pagkamangha ng mga tagasulit. Binigyan siya ni Kapitan
Tiago ng pabuya sapagkat nanalo nang malaki ang manok ni Kapitan Tiago na siya
mismo ang nag alaga. Ibinili agad ito Basilio ng sombrerong piyetro at sapatos.
Isang araw napag tripan si Basilio sa kanyang guro at tinanong si Basilio
tungkol sa aralin ngunit nga lang nasagot ito ni Basilio nang walang
pagkakamali at pagkatapos ay nagtanong pa ulit ang guro kay Basilio subalit
nasagot niya ang mga ito. Wala nang inaasahang katatawanan, napahiya ang
Dominiko at sumama ang loob kay Basilio. Nagkaron ng alitan at hamunan sa
labanang gagamitan ng sable at baston. Galak na galak na iniharap siya ng mga
mag-aaral sa kanyang propesor. Mula noon ay nakilala na at nakatuwaan si
Basilio. Siya ay nagkaroon ng markang sobresaliente. Sa nakitang pagsisikap sa
pagaaral ni Basilio, hinikayat siya ni Kapitan Tiago na lumipat ng Ateneo
Municipal. Pinili ni Basilio ang pag-aaral ng medisina dahil sa sariling hilig.
Nanggagamot na siya noong nasa ikatlong taon pa lamang , kaya naman kumikita na siya ng sapat upang makapagbihis
ng marangal at upang makapag-imbok ng kahit papaano. Huling taon na niya ngayon
at dalawang buwan na lang ay magiging ganap na doktor na siya. Pakakasalan niya
si Juli at siya rin ang magbibigay ng salita sa kanilang graduation.
TauhanA. Basilio-
siya ang nakipagsapalaran sa maynila para makapag-aral at walang tumanggap sa
kanya dahil isa itong probinsiyanong may sakit at walang alam sa pagsasalita ng
Espanyol.
B. Kapitan Tiago-
siya ang tumanggap kay Basilio na maging utusan at siya rin ang nagpapa aral
kay basilio.C. Juli- siya
ang babaeng mahal ni Basilio at pakakasalan niya.D. Tiya Isabel-
ang asawa ni Kapitan Tiago.
SuliraninSa kabanatang ito, nakaranas si basilio ng diskriminasyon galing sa guro at mga kaklase ni basilio sa San
Juan de Letran kung saan siya nag aral dahil gusgusin
at bihis dukha siya. Nagsikap
siya at sinaulo ang lahat ng mga ralin kahit hindi niya naiintindihan ito. sa kabila ng lahat nag pursigi si Basilio at nakamit
ni Basilio ang markang aprobado.
Isyung Panlipunan
A. Diskriminasyon – sa mababasa mo sa
buod ng kabanatang ito ay napapasalamin ang deskriminasyon dito. Una ay ang
kanyang kasuotan dahil nagmukha siyang
gusgusin at bihis dukha siya at sa araw na pagkakita ng kanyang mga guro
sa kanyang ayos, nilayuan siya pati ng kanyang kaklase. Sa ating lipunan natin
ngayon makikita ito.
B. Kahirapan –
sa kabanatang ito makikita natin dtto ang
kahirapan kagaya ni Basilio nakipagsapalaran sa Maynila upang makapag-aral at
namamasukang utusan katumbas ng pag-aaral. Sa ating lipunan ngayon maraming nag
hihirap at kagaya ni Basilio naghahanap rin mapasukan para makapag-aral.
Gintong Aral
Dapat hindi natin layuan ang mga taong bihis dukha imbis na tulungan natin ito. Kung hindi natin alam ang isang bagay o leksyon ay dapat natin itong unawain ng mabuti. Dapat hindi tayo manghusga agad-agad.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento